MATAPOS mag-trend ang epekto ng community quarantine sa Maginhawa sa Quezon City, nagkaroon na rin ng community library.
Sa post ng The Happy Library, nagtayo na rin ito ng community library sa Project 8, Quezon City para makatulong sa mental at emotional health ng komunidad.
“Naisip ko po na bukod sa community pantry, maaaring makatulong din ang pagbabasa ng libro para sa ating mental at emotional health. Kaya naman mas tumindi ang pagnanais ko na makapagbahagi ng mga libro sa maraming tao,” sa post ng The Happy Library.
Maaari ring mag-donate ng mga libro para makatulong pa sa ibang residente.Siniguro naman na dinidisinfect nila ang mga libro na ipinapahiram para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga borrowers.
“Ngayon pong panahon ng pandemya, bukod sa maraming nawalan ng trabaho at mga mahal sa buhay, ay tumaas din ang bilang ng mga taong nagkaroon po ng anxiety at depression. Isa na rin po ako roon,” paliwanag pa ng post.