Panibagong oil price hike ipatutupad

MAY bagong pagtaas sa presyo ng petrolyo bukas, inanunsyo ng mga kumpanya ng langis ngayong araw.


Magdadagdag ang Shell, Petro Gazz, at Cleanfuel ng 60 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina habang 70 sentimos naman sa presyo ng kada litro ng diesel.


Magpapatupad din ang Shell ng dagdag na 85 sentimos sa kada litro ng kerosene.


Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga para sa Shell at Petro Gazz habang alas-4:01 ng hapon sa Cleanfuel.