NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Department of Education (DepEd) sa nangyaring pananaksak sa loob ng Culiat High School sa Quezon City kung saan namatay ang isang ang Grade 7 na estudyante matapos na saksakin ng kapwa mag-aaral dahil umano sa selos.
“We are deeply saddened and disturbed that violent incident such as this happened among out students inside the school which is supposed to be a safe place,” sabi ng DepEd.
Base sa ulat, pasado alas-5:45 ng umaga nang mangyari ang pananaksak ng suspek na isang 15-anyos na estudyante.
Tiniyak ng DepEd ang tulong sa pamilya ng biktima.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek samantalang isinasailalim sa debriefing ang mga mag-aaral na nakasakdi sa krimen.