SINUSPINDE ng Department of Education ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa National Capital Region simula sa Lunes, Enero 17 hanggang 22.
Ito ay para bigyan ng break ang lahat ng mga guro at mag-aaral mula sa walang humpay na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.
Babalik ang pasok sa eskwlea sa Enero 24 hanggang 29 para sa asynchronous distance learning modalities, ayon sa memorandum na inilabas ng Kagawaran.
“For the duration of the suspension of classes, it is that physical reporting of teachers will be not required by the school heads,” ayon sa memorandum.
Nauna nang nanawagan ang ilang grupo ng mga teachers sa DepEd na magpatupad ng academic health break bilang tugon sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.