INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P3 bilyon para pondohan ang fuel subsidy na ibibigay sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs) at diskwento para sa magsasaka at mangingisda.
Sinabi ng DBM na P2.5 bilyon ang ilalaan sa fuel subsidy ng mga driver at P500 milyon para sa fuel discount ng mga magsasaka.
“Under the Fuel Subsidy Program, financial assistance amounting to P6,500 will be directly provided not only to affected jeepney drivers but also to qualified drivers of UV express, mini buses, buses, shuttle services, taxis, tricycles, and other full-time ride-hailing (e.g., transport network vehicle service (TNVS) and motorcycle taxis) and delivery services nationwide,” sabi ng DBM.
Ayon sa DBM, makukuha ng 377, 443 benepisyaryo ang subsidiya mula sa Landbank of the Philippines.
Tatanggap naman ng P3,000 fuel discount ang mga mangingisda at magsasaka.