TINAWAG ng China na “pinakanakakatawang biro” ang ulat na nagtatapon ito ng dumi ng tao sa West Philippine Sea (WPS).
“This is one of the best jokes recently. China strongly condemns the US firm who distorts facts, violates professional ethics and maliciously starts rumors to denigrate China,” ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Zhao Lijian.
Kamakailan ay isiniwalat ng grupong Simularity na nagpapakawala ng mga dumi ng tao ang mga bangkang pangisda ng China Chinese sa Spratly Island.
“The sewage from the anchored ships in the Spratlys is damaging the reefs and we can see this from space,” ayon kay Simularity chief executive Liz Derr.
Samantala, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na iimbestigahan nito ang umano’y pambababoy ng China sa WPS.