ILANG bahagi ng Caloocan City ang makararanas ng water interruption nang hanggang limang oras simula sa Miyerkules bunsod ng nakatakdang maintenance activity sa lugar.
Sa advisory, sinabi ng Maynilad na magkakaroon ng interconnection activity sa P. Dela Cruz st. sa Brgy. 166 mula alas-11 ng gabi April 3 hanggang alas-4 ng umaga sa April 4.
“This activity is being done as part of the company’s continuous effort to improve water services in the West Zone,” dagdag nito.
“Affected customers are encouraged to store enough water for the duration of the water service interruption. Maynilad has water tankers standby, ready to deliver water to affected areas as needed,” sabi pa ng advisory.
Pinayuhan din ng Maynilad na kapag nagbalik ang tubig ay paagusin muna ito nang ilang segundo o hanggang luminaw ang tubig.
Samantala, makararanas din ng water interruption ang mga barangay na Anabu I-D, I-F, II-A hanggang II-D sa Imus, Cavite mula alas-5 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi habang mawawalan ng tubig ang mga barangay na Alapan I-C, Anabu I-A hanggang I-F, Bayan Luma I hanggang IX, Bucandala I hanggang V, Carsadang Bago I to II, Malagasang I-A hanggang I-D, Malagasang I-G, Medicion I-B, Poblacion III-B, Poblacion IV-B, Poblacion IV-D, at Tanzang Luma VI mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.