KARAGDAGANG 200 body camera ang inangkat ng Bureau of Customs para mapaigting pa ang enforcement at security capabalities ng ahensiya sa mga pantalan sa buong bansa.
Gagamitin ang mga nabiling body camera para sa pagsusuri ng mga container na dumating sa bansa.
Kayang i-record ang video at audio ng anumang komunikasyon sa pagitan ng gumagamit nito at ng pasilidad na iniinspeksyon at ang mga ito ay idadaan sa Customs Operation Center.
Ang paggamit ng body cam ay alinsunod sa Title II Chapter 3 of RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Pinayagan ang paggamit nito alinsunod na rin sa Supreme Court ruling na pumapayag sa paggamit nito para sa implementasyon ng warrant.