BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga nagugutom sa 11.8 porsiyento mula sa 11.3 porsiyenton noong Disyembre 2022, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, tinatayang tatlong milyong Pinoy ang nagsasabi na sila ay nakaranas ng gutom o ang walang makain sa nakalipas na tatlong buwan.
“The December 2022 Hunger figure is slightly above the 11.3% (estimated 2.89 million families) in October 2022 and 11.6% (estimated 2.95 million families) in June 2022. However, it is slightly below the 12.2% (estimated 3.1 million families) in April 2022,” sabi ng SWS.
ang kagutuman sa Mindanao na nasa 12.7 porsiyento, na sinundan ng Visayas, 12.0 porsiyenot; Metro Manila, 11.7 porsiyento at Balance Luzon na nasa 11.3 porsiyento.
“It has been highest in Mindanao in 38 out of 100 surveys since July 1998,” ayon pa sa SWS.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.