Ex-chief of staff ni JPE na si Gigi Reyes laya na

LAYA na ang dating chief of staff ni dating Senate president Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes matapos namang pagbigyan ang kanyang inihaing Habeas Corpus.

Nakalabas na si Reyes, Jessica Lucila Reyes sa totoong buhay mula sa kanyang kulungan sa Taguig City Jail Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa.

Nauna nang nakulong si Reyes dahil sa kasong plunder dahil sa pork barrel scam noong Enero 9, 2014 matapos umanong tumanggap ng P172.8 milyong kickback mula kay Janet Lim Napoles.

Tuloy naman ang kaso ni Reyes sa Sandiganbayan.