NAGBABALA si dating Agriculture secretary Leonardo Montemayor na posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas sa 2023.
Idinagdag ni Montemayor na siya ring Board Chairman ng Federation of Free Farmers na base sa pagtaya ng FFF, magiging negatibo ang suplay ng bigas sa ikatlong bahagi ng 2023 kung saan kukulangin na ng 427,000 metric tons.
“By year end, it will be a measly 321,000 tons — good for only nine days,” ani Montemayor.
Idinagdag ni Montemayor na kailangang mag-angkat sa pagitan ng 3.0 million metric tons hanggang 3.4 million metric tons ng bigas sa susunod na taon para matiyak na magiging sapat ang suplay.