IPINAG-UTOS ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagrerepaso sa kahilingan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na payagan ang mga militanteng grupo na makapagprotesta sa kahabaan ng Batasan Road sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Marcos sa Lunes, Hulyo 25.
“I have been made aware that certain sectors have requested me to intervene regarding the denial of BAYAN’s rally permit. I am currently out of the country at the moment, as I have been selected to represent Quezon City for the International Visitor Leadership Program’s Summit for Democracy Initiative,” sabi ni Belmonte.
Nauna nang ibinasura ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kahilingan ni BAYAN secretary general Renato Reyes na payagan silang magrali sa Lunes.
“Nevertheless, I have instructed the Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) to carefully review the counter-points that were presented, and to determine if there are any possible accomodations or middle ground that they can agree upon. The same will also be applied to all rally permits that are currently with the DPOS,” dagdag ni Belmonte.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na hindi papayagan ang mga protesta sa kahabaan ng Commonwealth Ave.
“Rest assured, all these shall be discussed during our final SONA coordination meeting, which will happen today,” dagdag ni Belmonte.