NAGPAHAYAG ng pagkalungkot si Pangulong Bongbong Marcos sa nangyaring asasinasyon sa mismong graduation ng Ateneo Law School sa Ateneo de Manila University sa Quezon City Linggo.
Kasabay nito, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang pangulo sa mga pamilya ng mga nasawi sa pamamaril.
“We are shocked and saddened by the events at the Ateneo graduation today. We mourn with the bereaved, the wounded, and those whose scars from this experience will run deep,” sabi ni Marcos sa kanyang post.
Nangako si Marcos na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.
“We commit our law enforcement agencies to thoroughly and swiftly investigate these killings and bring all involved to justice. Our prayers go to the graduates, their families, the Ateneo community, and to the residents of Quezon City and Basilan,” dagdag ni Marcos.