NAGPATUPAD ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) ng importasyon ng manok mula sa Japan, Hungary at California sa harap ng banta ng bird flu mula sa mga naturang lugar.
Sa ipinalabas na memorandum order ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, bukod sa manok, bawal din ang pagpasok ng domestic at wild birds, poultry meat, day old chicks, itlog at semen mula sa mga naturang bansa matapos ang outbreak ng HBN1 high pathogenicity avian influenza o bird flu.
Ipinag-utos ni Panganiban ang suspensyon ng pagpoproseso ng aplikasyon para sa sanitary at phytosanitary (SPS) import clearance sa apektadong mga bansa.