INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatutupad na ang bagong mall hours sa Metro Manila simula sa susunod na linggo bilang paghahanda sa kapaskuhan.
Batay sa napagkasunduan kasama ang mga may-ari ng mall, epektibo ang bagong mall hours sa Nobyembre 14, 2022 at tatagal hanggang Enero 6, 2023.
Ito’y matapos ang isinagawang pulong na pinangunahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes para maibsan ang inaasahang paglala ng trapik dahil sa paparating na Pasko.
“Starting November 14, malls in NCR will operate from 11am to 11pm instead of their usual operating hours. We have to implement remedial measures to reduce traffic congestion,” sabi ni Artes.
Idinagdag ni Artes na papayagan lang ang mall-wide sales tuwing weekend.
“Mall-wide sales will be only allowed during weekends. Also, deliveries will be from 11pm to 5am only. Exempted from the regulation are deliveries of perishable goods, restaurants serving breakfast, and groceries,” ayon pa kay Artes.