Anak ng bilyonaryo tinuluyan ng DOJ

SINAMPAHAN na ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) si Julian Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto “Bobby” Ongpin dahil sa illegal possession ng cocaine.

Ayon sa DOJ, ang kasong inilatag sa Regional Trial Court ng San Fernando City sa La Union ay may kaukulang rekomendasyon na non-bailable walang piyansa.

“The criminal information against Mr. Ongpin will be filed at the Regional Trial Court, San Fernando City, La Union. The same information also states that the offense is non-bailable,” ayon sa statement ng DOJ na inilabas Lunes.

Si Ongpin ay una nang iniuugnay sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson noong Setyembre 18 sa loob ng isang hostel sa San Juan, La Union.

Dahil dito nagpalabas ng hold departure order laban kay Ongpin dahil sa kaso na may kaugnayan sa droga.