UMABOT sa 8,241 ang pumasa sa 2020-2021 Bar examination, ayon sa Korte Suprema.
Ito ay katumbas ng 72.28 porsiyentong kabuuan ng 11,402 indibidwal na kumuha ng Bar exam.
Sinabi ni 2020-2021 Bar Chairperson Associate Justice Marvic Leonen na 761 examinees ang napasama sa exemplary list o nakakuha ng iskor na 85 percent hanggang 90 percent o 9.23 percent ng Bar passers.
Samanrala, 14 na Bar passers ang napasama sa excellent list o nakakuha ng mas mataas sa 90%, o 0.17% ng kabuuan ng mga pumasa.
Nanguna naman ang University of the Philippines (UP) na may 147 exemplary Bar passers at apat na excellent passers. Pumangalawa ang Ateneo de Manila University at University of San Carlos sa Cebu na may 100 exemplary passers at dalawang excellent passers.