SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na 51 porsiyento ng pamilyang Pinoy ang naniniwala na sila ay mahirap, samantalang 31 porsiyento ang nagsabi nasa borderline at 19 porsiyento lamang ang naniniwalang hindi sila mahirap.
Base sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, tumaas ang mga nagsabing sila ay mahirap kumpara sa isinagawang survey noong Oktubre 2022 kung saan 49 porsiyento ang nagsabi sila ay mahirap.
Umabot ang mga Pinoy na nagsabing sila ay mahirap sa 12.9 milyon nong Disyembre 2022 kumpara sa 12.6 milyon noong Oktubre 2022.
Tumaas din ang mga pamilyang nagsabi na sila ay nasa borderline matapos namang makapagtala lamang ng 29 porsiyento noong Oktubre 2022, samantalang bahagyang bumababa ang nagsabi na sila ay hindi mahirap mula sa 21 porsiyento noong Oktubre 2022.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents sa buong bansa.