SINITA at tiniketan ng Quezon City Task Force Disiplina ang lima katao na pumila bago mag-alas-5 ng umaga sa Maginhawa community pantry.
Mayroong isang linggo ang lima para magbayad ng P300 na multa.
Umiiral sa lungsod ang curfew hours na mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na siya na ang bahala sa multa.
“An ordinance has been violated. OVRs have been issued so the penalty must be paid. But taking into consideration the circumstances they are in, I will be the one to pay the penalty in their behalf with strict warning not to repeat the violation,” ani Belmonte sa kalatas.