AABOT sa 45 porysento ang bilang ng mga Pilipino na umaasang bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Ito ang pinakamataas mula nang magsimula ang pandemya ng COVID, ayon sa resulta ng survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) at inilabas noong Lunes ng gabi.
Mas mataas ito ng 12 puntos kaysa sa 33 porsyento na nakuha sa isang katulad na survey na isinagawa noong Setyembre 2021, at ang pinakamataas mula noong pre-pandemic level na 48 porsyento noong Disyembre 2019.
Samantala, bumaba mula pito hanggang tatlong porsyento ang bilang ng mga umaasang lalala pa ang hirap ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, habang nanatili sa 42 porsyento ang mga nagsabing mananatili ito sa dati.
Ang natitirang siyam na porsyento ng mga respondent ay hindi nagbigay ng sagot, ayon sa SWS.
Sa pinakahuling survey, nagresulta sa isang “net optimism” na marka ng +42, na inuri bilang “mahusay” ng polling firm.
Tumaas ito ng 16 puntos mula sa “high” +26 na nakuha noong Setyembre.