UMAABOT sa 43 porsiyento ng pamilyang Pinoy ang nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Base sa isinagawang survey mula Abril 19 hanggang 27, 2022, 34 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay nasa borderline na ng pagiging mahirap, samantalang 23 porsiyento ang nagsabi na hindi sila mahirap.
Nangangahulugan ito na aabot sa 10.9 milyon ang mahirap noong Abril 2022.
Noong Disyembre 2021, umabot sa 10.7 milyong Pinoy ang nagsabi na sila ay mahirap.
Tinatayang 1,440 na respondent ang tinatanong gamit ang face-to-face interview.