4.14 milyon jobless noong Abril

UMABOT sa mahigit 4.1 milyon ang nawalan ng trabaho noong Abril matapos pairalin ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon sa Philippine Statistics Authority.


Sinabi ng PSA na mas mataas ang bilang ng jobless noong Abril kumpara sa 3.44 milyon noong Marso o pagtaas na 8.7 porsyento na unemployment rate mula sa 7.1 porsyento.


Nasa 43.27 milyon naman ang may trabaho noong nasabing buwan, ayon pa sa ahensya.


“Employment rate in the country posted a month-on-month decline in April 2021 when Enhanced Community Quarantine (ECQ)/Modified ECQ was re-imposed in the National Capital Region and nearby areas: from a 92.9 percent employment rate in March 2021, it dropped to 91.3 percent this April 2021,” ayon sa ulat ng PSA.


Napag-alaman na ang unemployment rate na naitala noong Abril ang ikalawang pinakamataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho mula noong Hulyo 2020 na nakapagtala ng 15.8 percent ng unemployment rate. –A. Mae Rodriguez