SINABI ni Social Weather Stations (SWS) na 34 porsiyento (gainers) ng mga Pinoy na gumanda ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Base sa isinagawang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 26 porsiyento (losers) naman ang nagsabi na lumalala ang kanilang buhay, samantalang 39 porsiyento (unchanged) ang nagsabi na walang pagbabago ang kanilang kondisyon sa buhay.
Idinagdag ng SWS na aaabot naman sa +8 ang net gainers (gainers minus losers), na kinokonsider na high.
Mas mataas ito kumpara sa net zero noong Oktubre at -2 noong Hunyo 2022 at Abril 2022, bagamat 10 puntos na mas mababa sa pre-pandemic level na very high na +18 noong Disyembre 2019.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.