SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na 30 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Base ito sa isinagawang survey ng SWS mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 2, 2022, ang kauna-unahang resulta sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Bukod sa 30 porsiyento na “gainers”, naitala naman ang 29 porsiyento ang “losers” o nagsabi na lumala naman ang sitwasyon ng kanilang buhay at 41 porsiyento naman ang nasabi na walang pinagbago o “unchanged” kumpara noong isang taon.
“The resulting net gainers score is zero (% gainers minus % losers, correctly rounded), classified by SWS as fair (-9 to zero),” sabi ng SWS.
Idinagdag ng SWS na kumpara noong Oktubre 2022, mas mataas ang iskor ng net gainer kumpara sa fair -2 nong Hunyo at Abril 2022.
Samantala, mas mababa pa rin ito ng 18 puntos kumpara noong wala pang pandemya na nasa very high +18 noong Disyembre 2019.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,500 respondent sa buong bansa.