AABOT sa 185 na sari-sari store ang ilegal na nagbebenta ng gamot, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa kanyang ulat sa Talk to the People Lunes ng gabi, sinabi ni FDA officer-in-charge Deputy Director General Oscar Gutierrez Jr. na base sa imbestigasyon, nakumpirmang 78 sa 185 sari-sari stores ang nagtitinda ng mga gamot at may direktang paglabag sa Pharmacy Law at FDA Act of 2009.
“At dito po sa 78 na nagtitinda po ng medicine ay nine out of 78 po were found selling medicine that were fake medicines po,” sabi ni Gutierrez.
“Labintatlong fake medicines po ‘yung nakita natin and mostly COVID-related medicines po. So, in violation naman po ito ng Special Law on Counterfeit Drugs. Nananawagan po ako sa mga publiko na bumili po tayo ng gamot doon sa mga FDA-licensed drug outlets na sabi ko po kanina eh 44,989 po ‘yun,” dagdag ni Gutierrez.
Dahil dito nais ng FDA na pagbawalan na ang mga sari-sari store na magtinda ng mga gamot.
“So we would like, if possible, to work with the LGUs so they can pass an ordinance that prevents the sari-sari stores from buying or carrying medicines,” dagdag pa ng opisyal.