ISINUSULONG ngayon sa Kamara ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado ng pampubliko at pribadong tanggapan kahit ano pa ang kanilang employment status.
Sa House Bill 540 na inihain ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, kulang ang 13th month pay na ibinibigay ng batas sa mga empleyado dahil sa maliit na sweldo.
“Despite the existence of 13th month pay, many Filipino families still struggle to sufficiently provide for their families because of meager salaries, among others. With the continuously rising cost of living in the Philippines, it is incumbent upon the State to address the plight of its workers in both the government and private sectors,” ayon sa explanatory note ng panukala.
Iminumungkahi na ang mandatory na 13th month pay ay dapat ibigay katapusan ng Mayo kung saan kadalasan ay natataon sa enrolment ng mga mag-aaral, habang ang 14th month pay ay ibibigay naman sa katapusan ng Nobyembre bilang preparasyon sa Kapaskuhan.
Ayon pa sa panukala, hindi dapat bababa sa monthly basic salary ang 14th month pay na ibibigay sa empleyado.