UMABOT sa 120 milyong kilo ng baboy at manok ang ilegal na nakapasok sa bansa ngayong taon, ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo.
Ito ay matapos madiskubre ang 63 milyong halaga ng smuggled frozen na karne mula sa Hong Kong at China sa Manila International Container Port at 300 karton ng expired ng karne sa Tondo, Manila.
“Tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga smuggled, namonitor namin almost 100 million kilo ng baboy ang pumasok illegally, mga 20 million kilos chicken illegal na pumasok, ang laki nito,” sabi ni So sa isang panayam sa radyo.
Idinagdag ni So na noong 2021, umabot sa 137 milyong kilo ng baboy at 36 milyong kilo ng manok ang nakapasok sa bansa ng walang legal na dokumento.
“Kailangang mag-double time ang Bureau of Customs kasi malaking nawawala sa ating gobyerno, saka yung food safety natin, hindi natin alam kung ito ba ay contaminated ng salmonella, or itong ASF, makaka-spread ulit yan saka yung bird flu kaya may tinamaan na naman ng bird flu sa ating bansa,” ayon pa kay So.
Aniya, sa 200 container van na legal na ipinararating sa bansa kada araw, 200 container van din na smuggled na agriculture products ang pumapasok sa bansa.