Welcome back, Jin!

NA-discharge sa South Korean military ang oldest member ng K-pop supergroup BTS na si Jin ngayong araw ng Miyerkules makaraan ang 18-buwan na mandatory service.

Base sa mga lumabas na larawan, inihatid si Jin ng iba pang BTS members na sina J-Hope, RM, Jimin, V at Jungkook sa kanyang paglabas mula sa 5th Infantry Division sa Yeoncheon, Gyeonggi Province.

Sakto ang pagtatapos ng conscription ni Jin para sa ika-11 anibersaryo ng BTS bukas, Hunyo 13.

Sa kanyang military service, nagsilbi si Jin bilang assistant drill instructor sa Army recruit training center.