KINUMPIRMA ng Senado na na-hack nga ang website nito, bagamat tiniyak naman na walang mga sensitibong datos ang nalagay sa panganib.
“The logs include basic metadata, such as the upload date and file size, which do not pose any significant security risk,” ayon kay Senate Spokesperson Arnel Jose S. Bañas sa inilabas na kalatas Miyerkules ng gabi.
“We therefore confirm the statement of DICT (Department of Information and Communications Technology) Assistant Secretary Renato Paraiso that the incident is not cause for alarm.”
Una nang inireport ng DICT ang nangyaring pag-hack ng grupong DeathNote Hackers sa website ng Senado at pagkuha ng mga ito sa username at logs ng mga empleyado nito.
Gayunman, siniguro ni Bañas na walang mga personal na dokumento at tanging public documents lang ang laman ng website gaya ng transcript ng committee hearing at journal ng session.