SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa ngayong araw ng Martes dahil sa matinding init ng panahon.
Inatasan ng mga local government ang mga paaralan na mag-shift sa modular o online classes.
Walang pasok sa lahat ng antas:
*Sultan Kudarat (public at private hanggang April 15)
*Isabela, Negros Occidental
*Tantangan, South Cotabato (afternoon classes suspendido hanggang April 15)
*Silay, Negros Occidental (public at private)
*Hinoba-an, Negros Occidental (public at private)
*E.B. Magalona, Negros Occidental (public ar private)
*Bago, Negros Occidental
Hanggang senior high school:
*Quezon City (public)
*Bacolod City (public)
*Iloilo City (public at private)
*Talisay, Negros Occidental (public at private)
*Dumangas, Iloilo (public at private)
*Mangaldan, Pangasinan (public at private)
*Calasiao, Pangasinan (public at private)
*Calumpit, Bulacan (public)
Nitong Lunes ay nagsuspinde na rin ng klase sa Bacolod City; Iloilo City: Roxas City, Capiz; Kabankalan, Negros Occidental; E.B. Magalona, at Tantangan, South Cotabato.
Bago ito, inabisuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga pinuno ng paaralan na isuspinde ang face-to-face classes kung lubha na ang init na nararamdaman sa mga classroom.
“Since they are the school managers, meron silang ganoong authority na naibigay sa kanila at ine-expect natin that they will exercise very wise discretion when it comes to suspension of classes, including ‘yung pagbibigay ng mga intervention activities for lost hours,” ani DepEd Assistant Secretary Francis Bringas.
Inaasahan na magtatagal pa hanggang Mayo ang mararamdamang init na bunsod ng El Niño phenomenon.