INALMAHAN ni Vice President Sara Duterte ang gagawing pagpayag ng bansa sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen dito sa Pilipinas.
Ayon kay Sara, anak ni dating Pangulong Duterte na ngayon ay nahaharap sa samu’t saring kaso sa ICC, unconstitutional ang gagawing pagpayag sa imbestigasyon ng ICC sa loob ng bansa.
“To allow ICC prosecutors to investigate alleged crimes that are now under the exclusive jurisdiction of our prosecutors and our Courts is not only patently unconstitutional but effectively belittles and degrades our legal institutions,” pahayag ni Sara nitong Huwebes.
“Huwag nating insultuhin at bigyan ng kahihiyan ang ating mga hukuman sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo na tayo ay naniniwala na mga dayuhan lang ang tanging may abilidad na magbigay ng katarungan at hustisya sa ating sariling bayan,” dagdag pa nito.
Ikinagulat na lang din ng pangalawang pangulo ng biglang talakayin sa Kamara ang panukalang dapat makipagtulungan ang pamahalaan sa ICC para imbestigahan ang pinamunuang war on drugs noong nakaraang administrasyon.