NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte sa Iglesia ni Cristo dahil sa pag-roganisa nito natioanal peace rally na tinawag niyang “powerful display of unity and faith.”
Sa isang video message, pinuri rin ni Duterte ang INC dahil sa commitment nitong itaguyod ang pagkakaisa at kapayapaan.
“Pinasasalamatan ko ang mga kapatid natin sa INC dahil sa kanilang dedikasyon na magtaguyod ng pagkakaunawaan at pagkakaisa sa ating mamamayan,” ayon kay Duterte.
Iginiit ni Duterte na mahalaga ang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa gitna nang patuloy na dinadanas ng mamamayan na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang mga suliranin.