VP Sara missing in action? Nagpaliwanag hinggil sa foreign trip sa gitna ng bagyo

KINUMPIRMA ng office of the Vice President na laumabas nga ng bansa si Sara Duterte sa gitna ng matinding pag-ulan at pagbaha na naranasan ng Metro Manila nitong Miyerkules.

Sa kalatas, sinabi nito na personal na byahe ng bise pangulo ang pagtungo nito sa ibang bansa, na hindi naman tinukoy kung saan.

Isa rin anyang”unfortunate” ang timing ng paglabas ng bansa ni Duterte.

“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities,” ayon sa OVP.

Nilinaw rin nito na may approval ang pag-alis ni Duterte. Ibingay anya ang travel authority na inisyu ng tanggapan ng Pangulo noong Hulyo 9, 2024.

Ayon sa mga ulat, nagtungo si Duterte kasama ang kanyang pamilya sa Germany.