NANINIWALA si Vice President Leni Robredo na maituturing din na kabayanihan ang pagpapabakuna ngayon na nasa gitna ng pandemya ang bansa.
“Sa panahong ito, kabayanihan ang pagsisilbi sa propesyong medical, ang pagpapabakuna, ang pagsunod sa health protocols, ang pagbabahagi ng katotohanan at pagpalag sa kasinungalingan, ang pagtulong sa nangangailangan sa abot ng makakaya,” pahayag ni Robredo sa selebrasyon ng National Heroes Day.
Giit ni Robredo, lahat ng Filipino ay maaaring maging bayani sa kani-kanilang paraan.
“Today reminds us: Heroism can be found beyond the gallows or the battlefield. Maaari itong makita sa tuwing titingin tayo sa salamin, dahil ang potensyal ng kabayanihan ay nasa loob natin.”
“Bawat Pilipino, tinatawag na maging bayani. Hindi kailangang magarbo ang pagkilos; bawat hakbang, gaano man kaliit, ay kabayanihan basta nakatuon sa kapwa,” aniya ng Bise-presidente.