187 Pinoy nailikas mula sa Afghanistan

UMABOT na sa 187 Filipino ang nailikas mula sa Afghanistan na nasa gitna nang matinding kaguluhan ngayon, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ang huling batch na nailikas ay kasalukuyan nasa United Kingdom at Doha sa Qatar.

May 24 Filipino pa rin ang kasalukuyang nananatili sa Afghanistan.

“There are now eight Filipinos intending to join the government’s repatriation effort. All 24 remaining plan to join evacuation efforts, but through different channels and timelines,” ayon sa DFA.