HINDI pinalagpas ni Donnalyn Bartolome ang pagpuna ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa selebrasyon ng kanyang birthday party kamakailan.
Sa Facebook, ipinamukha ni Donnalyn na “unprofessional” si Leonen dahil ipinalabas nito na wala siyang alam sa pagiging mahirap.
Isa si Leonen sa mga nag-react sa “kanto-themed’ birthday ni Donnalyn dahil sa paggamit nito sa kahirapan para gawing konsepto sa party.
“Instead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is to be poor and find ways and means to assist.” ani Leonen. “To be poor is not something to celebrate by the rich. It is insensitive. Just saying.”
Sinopla ng vlogger si Leonen at sinabing marami na siyang natulungan.
“Who told you I never did anything to assist Sir? I celebrated my life by looking back at my past and not being ashamed of it. Did I pretend to be poor? Poor pa rin po ba sa inyo naka Bvlgari watch ako dun with diamond earrings and my imported P10,000 slippers? Mga nakaPrada pa mga bisita ko at Chanel, sadyang sa kanto lang kami pumarty at nakapambahay lang,” hirit niya.
Inakusahan din ni Donnalyn si Leonen na ginagamit ang isyu para makilala sa social media.