GODSEND kung ituring ng isang taho vendor mula Bacoor, Cavite ang vlogger na si Basel Manadil aka The Hungry Syrian Wanderer. Kung bakit? Read on.
Sakay ng kanyang sasakyan si Manadil nang maaktuhan niya ang vendor. What caught Manadil’s attention ay kahit tanghaling-tapat at sobrang init ay nakangiti pa ring nagtitinda ang vendor at hindi sinusungitan ang mga bumibili. Bumaba ng sasakyan ang vlogger, lumapit kay lolo vendor at umorder.
Bago pa siya singilin ng magtataho ay nagpanggap na walang pera si Manadil at sinabing pupunta muna siya sa ATM para mag-withdraw. Pumayag naman ang vendor. Bumalik ang vlogger at nagkunwaring walang pera, pero cool lang si lolo vendor at sinabing ililibre na niya ito. Dito na lalong na-touch si Manadil at sinabing babayaran niya nang sobra-sobra ang mga binili niya.
Hindi naman nalaman ang buong amount na ibinigay sa vendor, na gulat na gulat at masayang-masaya sa ginawa ng dayuhan.
Para sa mas detailed na kwento, narito ang video, courtesy of The Hungry Syrian Wanderer: https://www.youtube.com/watch?v=npuLSiqAH6A