PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukala na magpapataw ng value added tax sa mga digital at electronic transactions gaya ng streaming services na Netflix at Spotify.
Sa botong 167-6-1, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 7425 na nag-aamyenda sa National Internal Revenue Code of 1997, at magpapataw ng 12 percent VAT sa mga digital transactions.
Sa ilalim ng isinusulong na panukala, ang mga digital service providers (DSPs) ay kailangan maningil at mag-remit ng VAT sa mga transactions na sumailalim sa kanilang platform.
Pasok sa mga papatawan ng VAT ay ang mga sumusunod:
- Online advertisement services and provision for digital advertising space;
- Digital services in exchange for a regular subscription fee such as Netflix and Spotify;
- Supply of other electronic and online services that can be delivered through the internet
Kasama rin sa papatawan ng buwis ay ang licensing ng software, updates, at add-ons, west filters at firewalls; mobile applications, video at online games; webcast and webinars; and provision of digital content such as music, files, images, text, and information.