Utol ng kainuman hinimas, obrero tinodas

PATAY ang obrero makaraang saksakin ng kainuman na naaktuhan siyang hinihimas ang binti ng kapatid na babae nito noong Martes ng gabi sa Quezon City.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si alyas Lito, 49, residente ng Saret st., Brgy. Batasan Hills.

Agad namang nadakip ang suspek na si Jose Mark Lobrio, 31, ng Riverside Ext., Brgy. Commonwealth.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa bahay ni Lobrio kung saan nakikipag-inuman ito sa mga kamag-anak at sa biktima.

Nagalit si Lobrio nang makita ang hita ng nakababatang kapatid na hinihimas ni alyas Lito.

Kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa katawan.

Dinala sa ospital ang biktima suba­lit namatay rin.

Tinangka pa ng suspek na tumakas pero nasakote ng mga otoridad.