PINAG-IISIPAN na ng pulisya na kasuhan ang uploader ng viral video na nagpakita ng traffic jam sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City na dulot diumano ng convoy ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lt. Col. May Genio, commander ng Holy Spirit police station, masugid na kritiko ni Duterte ang uploader na si Janus Munar.
Sa panayam kay Genio sa radyo, sinabi nito na nagtataka sila kung bakit nasa gitna si Munar at tila ina-agitate ang mga motorista.
Isa sa tinitingnang kaso na posibleng isampa kay Munar ay cybercrrime, bagamat tuloy pa rin naman anya ang imbestigasyon.
Sa report, sinabi naman ni Munar na hindi umano siya ang kumuha ng video at ibinahagi lang anya ito sa kanya ng kaibigan.