TINIYAK ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sapat ang suplay ng tubig mula sa Angat Dam hanggang Disyembre kasabay nang ngayon ay ipinatutupad na daily rotational water interruption.
Klinaro rin ni MWSS Deputy Administrator Jose Dorado Jr. na ang water interruption ay hindi dahil sa kakulangan ng tubig mula sa Angat Dam.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, naitala ang water levele sa Angat Dam sa 202.84 metro, medyo mababa sa 203.29 metro na nairekord nitong Martes.
Problema umano sa distribusyon ng tubig ang dahilan kung bakit may water interruption.