KINASUHAN si dating US president Donald Trump kaugnay sa pagbabayad nito sa isang porn star para patahimikin ito.
Ito ay matapos bumoto ang grand jury na sampahan ng kasong kriminal ang dating pangulo kaugnay sa isinagawang imbestigasyon hinggil sa $130,000 na ibinigay nito kay Stormy Daniels para tumahimik ito.
Si Trump ang kauna-unahang pangulo ng Estados Unidos na sinampahan ng kasong kriminal. Mariing pinabulaanan ng 76-anyos na dating pangulo ang akusasyon laban sa kanya.
The charges in the indictment will be read to him at the hearing, which is set to last about 10-15 minutes.
The United States Secret Service – which is tasked with protecting serving and former US presidents – will be in charge of security for the court appearance.
Sinabi ni Manhattan District Attorney Alvin Bragg na nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga abogado ni Trump para sa kanyang pagsuko para sa kanyang arraignment. Sinasabing ginamit ni Trump ang campaign contribution na mahigpit na ipinagbabawal sa US.