SINALUBONG ng matinding trapiko and northbound section ng North Luzon Expressway Lunes ng umaga matapos tumagilid ang isang truck sa Meycauayan, Bulacan.
Naganap ang aksidente bandang alas-6 ng umaga dahilan para magkabuhol-buhol ang trapiko mula sa lugar ng pinangyarihan.
Ang buntot ng trapiko ay umabot hanggang sa Valenzuela City.
Sa video ng mga netizens at GMA news reporter James Agustin sa social media, makikita ang nakatagilid na truck habang nakasambulat ang mga laman nitong mga kahon sa kalsada.
Pasado alas-7 na ng umaga nang unti-unting lumuwag ang trapiko.