TRENDING ang ginawang pagpuna ng isang X (dating Twitter) user sa dalawang cashier ng SM Manila Supermarket na sumingit umano sa pila ng bilihan ng turon.
Sa mahabang post sa X, ikinuwento ni @thisisjakki kung paano niya tinalakan ang mga cashier.
“Ang haba ng pila para makabili ng turon and sobrang bilang nalang yung turon sa istante. Nasa gitna na ako ng pila and ang dami pang pila sa likod ko na gusto pa makapag avail ng turon.
“May 2 cashiers na naka break or out na ata na lumapit sa cashier ng bilihan ng turon, and narinig ko na nagpapareserve na sila ng 2 turon. Sabi ng cashier ‘Pumila kayo huy’ but these two insisted na di na pumila. So nag init dugo ko kasi ayoko talaga ng nasisingitan sa pila.
“Then ung isang cashier kumuha ng 2 turon para dun sa dalawang sumingit na cashiers. Sabi ni nung isa ‘Samen na ba yan?’ then inabot nung cashier yung turon dun sa dalawang cashiers na sumingit at nakaabang na sa counter para magbayad. So lalong uminit ulo ko.
“Then I told the cashier na ‘Miss pinasingit mo talaga yung dalawa e ang dami naming nakapila, unfair kayo sa mga nag aantay sa likod’ sabi ng cashier ‘Ah yung dalawa po?’ Then I replied ‘Obviously, yes!’ na mejo galit na ung tone ng voice ko.
“Hawak na ng 2 cashiers na sumingit sa pila ung turon then I told these 2 cashiers na naka assign sa counter na ‘If hindi mo babawiin yung turon, I’ll let your manager know, ang dami naming nakapila hoping na makabili pa.’ Dont tolerate that kind of attitude. Sobrang unfair!
“Wala naman ng sinabi ung cashiers at binawi naman nila ung turon sa dalawang sumingit. Hindi ko lang talaga ma gets bakit may mga ganong tao na nakita naman na may pila e pilit pa din sisingit at pipiliing maging unfair sa iba.
“And happy din yung mga nakapila sa likod ko kasi nakabili din sila,” sabi ni @thisisjakki.
Ano opinyon mo rito, ka-PUBLIKO?