MATAPOS umani nang sandamakmak na hate messages at bashing ang Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), maaari nang ma-enroll ang mga transgender na may mahahabang buhok.
Ito ay matapos makipag-ugnayan ang Commission on Higher Education sa kolehiyo para ayusin ang gusot na inilikha nang di pagpayag nito na makapag-enroll ang mga miyemrbo ng LGBTQ community, partikular na ang mga transgender na may mahahabang buhok.
“I am happy to report that after our meeting today, both the president of EARIST and our student leaders have agreed on a set of points that they will now do moving forward. On the part of CHED, our role really is to bring groups together,” ayon kay CHEd Chairperson Prospero de Vera III.
Napagkasunduan ng dalawang partido na papayagan ang mga estudyante na makapag-enroll kahit na ano pang haba ng buhok ng mga ito.
Nagpasalamat naman si EARIST president Rogelio Mamaraldo sa CHEd dahil sa isinagawa nitong inisyatibo.
“This is a wonderful day for us because we have set some uniform goals and objectives, wherein we will be crafting a new policy on those particular issues as discussed with the chairman and student representative and its lawyer,” ayon kay Mamaraldo.
“We will abide by the rules pertaining to that particular issue on gender sensitivity and with regards to enrollment procedure and all others that affect LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer).”gender-sensitive rules for enrollment and school uniform policies.