ISINAPUBLIKO ng trans beauty queen na si Lars Pacheco na umabot sa P5 milyon ang naipatalo niya sa online gambling.
Sa TikTok video, inamin ni Lars na nagsimula ang kanyang pagkagumon sa sugal sa online app na “online sabong” bago nakahiligan ang “bingo” at “baccarat.”
“I bet (and lost) all my 100K in baccarat,” aniya.
Dahil sa pagsusugal, na tinawag niya na “evil,” sinabi ni Lars na “natuto ko magsinungaling” at “naging makapal ‘yung mukha ko.”
Gayunman, natanggal niya sa kanyang sistema ang nasabing bisyo sa pagdarasal.
“I cried and I prayed. I prayed it all to God and I said sorry to God,” wika niya.
Umaasa naman si Lars na sa pamamagitan ng pagbabahagi niya sa kanyang karanasan ay mayroon siyang maimpluwensyahan.
“Ginawa ko itong video na ito for realization. Na tumigil ka na. Alam kong nahihirapan ka. Alam kong nanghihinayang ka sa lahat ng napatalo mo. Tanggapin mo na na hindi na kayang bawiin pa lahat ng ‘yon. Oo, ikaw! Quit this gambling now! Quit this evil now! I just want you to know na hindi pa huli ang lahat para sa’yo,” sambit ni Lars.
Si Lars ang Miss International Queen Philippines 2023.