Toy collection ni Jed Madela umaapaw

NAGSISIKSIKAN na ang mga laruang koleksyon ng singer na si Jed Madela kaya kailangan na niya na iorganisa ang silid para magkasya ang mga bago niyang bili.

Sa Facebook, isinapubliko ni Jed ang kuwarto ng koleksyon na nilakipan niya ng caption na “The collection room needs to be organized again. Wala na naman space.”

Bago ito, ipinakita ng singer ang ilan sa kanyang Labubu plushies.

“I remember months ago, when I’d attach these Labubu bag trinkets, I’d get judgemental stares from people. And now that celebrities are going crazy over them, okay na. Hahahaha,” aniya.