KUNG tiktokerist (TikTok user) ka, suguradong na-bully o na-harass ka na ng mga troll at ng mga taong may ibang views/beliefs/biases sa iyo.
Kaya para mabawasan ang reklamo mo at ng maraming iba pa, nag-introduce ang developer ng Tiktok ng dalawang safety features para mabura ang toxic culture sa nasabing app.
Una ay ang “Filter All Comments” kung saan pwede nang piliin ng mga user ang mga komento na makikita sa kanilang video.
Ikalawa ay ire-remind ang mga user na sumunod sa community guidelines sakaling subukin nilang magkomento ng di maganda. Bubulaga sa kanila ang prompt na may message na “Would you like to reconsider posting this?”