Top NPA leader sa Mindanao patay sa enkwentro

ISANG mataas na opisyal ng New People’s Army sa Mindanao ang nasawi matapos ang enkwentro sa Butuan City Miyerkules ng hapon.

Kinumpirma ng Philippine Army ang pagkakapatay kay Myrna Sularte, alias Maria Malaya, matapos ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at miyembro ng Northeastern Mindanao Regional Committee at PA 901st Infantry Brigade sa liblib sa Sitio Tagulahi, Barangay Pianing sa Butuan City,

Si Sularte ay sinasabing top NPA leader sa Caraga region, bilang siyang secretary ng NEMRC at miyembro ng political bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Siya ang byuda ng yumaong Jorge “Ka Oris” Madlos, pinuno naman ng NPA National Operations Command (NOC), na napatay noong Oktubre 2021 sa isa ring enkwentro sa Bukidnon.