PORMAL nang sinampahan ng kasong murder ang sinibak na kongresista na si Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov ernor Roel Degamo.
Isinampa ang kaso sa Manila regional trial court, ayon sa ginawang pagkumpirma nitong Sabado ng Department of Justice.
“Cases for murder, frustrated murder and attempted murder have been filed against Arnolfo Teves Jr… before the RTC of Manila,” ang ginawang pagkumpirma ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na siya ring spokesperson ng kagawaran.
Ang kaso ay kaugnay ng March 4 mass killing sa Pamplona, Negros Oriental, na ikinasawi ni Degamo at siyam na iba pa.
Inaasahan din anya ng DOJ na mailalabas kaagad ng korte ang warrant of arrest laban sa dating kongresista.
Bukod kay Teves, apat na iba pa ang inasunto ng 10 kaso ng murder at ilang kaso ng frustrated at attempted murder kaugnay sa Pamplona massacre.